Skip to content

On Graduation Speeches

May 18, 2008

This post is a bit late, since it has been two weeks since I graduated with a degree of MS Applied Mathematics. I actually graduated June of last year, but I decided to attend the graduation rites last April in order to get the medallion. Might as well add something that I could attach to my sablay later on.

I was actually bored with the entire ceremony and spent my time digging my teeth on the speeches delivered. I was a bit annoyed with the speech of the best BS graduate and I was wondering if I was that childish when I delivered my response five years ago.

Lo and behold! As I was going over my papers, I stumbled upon that speech. It was in Filipino, prepared a few hours before the graduation itself. (And I remember editing it during the graduation ceremonies.) And as you can expect from a crammed work, it was full of errors in the subject-verb agreement, and there are times when I shift the subject from tayo (we) to ako (I). I didn’t even have an outline of the speech, and just included things spontaneously. You won’t find a ‘unifying theory’ (as my professor would say) in this work. Ohohoho…

And yeah, special mention to my organization (which is not based in the College of Science).

Anyway, here is my speech:

Kagalang-galang na Senador Joker Arroyo, pangunahing tagapagsalita,

Dr. Rhodora Azanza, dekano ng College of Science,

Iba pang pinuno ng unibersidad, mga propesor at miyembro ng faculty, kawani, bisita, mga magulang at kamag-aral,

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Sa araw na ito, magtatapos ang isang mahalagang yugto sa ating buhay: ang buhay kolehiyo. Marahil ang iba sa atin ay magtatrabaho na, ang iba naman ay ipagpapatuloy pa ang pag-aaral sa unibersidad, at may ilan namang mag-aasawa at bubuo ng sarili nilang pamilya. Magkakaiba man ang piliin nating landas, may isang katangian na nagbubuklod sa ating lahat. Magaling tayo, dahil nakapagtapos tayo sa Unibersidad ng Pilipinas.

Hindi biro ang ating mga pinagdaanan. Sa totoo nga, hindi ko inaasahan na maaabot ko ang katayuang ito. Marami ring problema ang kailangang lutasin. Maraming oras ng pagtulog ang aking isinakripisyo para sa isang proyekto o kaya naman para mag-aral sa ekxam kinabukasan. Maraming tao ang dapat pakisamahan, kahit hindi mo sila gaanong kilala. Maraming desisyon ang ginawa, kung papasok ba ako sa klase mag-cut para gumawa ng proyekto, mag-cut at sumali sa rali para ipaglaban ang ating karapatan, o mag-cut para manood ng Lord of the Rings. Sa lahat ng mga pagsubok na ito, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Pinanindigan ko ang mga desisyong aking nagawa. Kung nagkamali man, ginawan ko ng paraan para maging maayos ang kalabasan. Sa awa ng Diyos, nalagpasan ko naman ang lahat ng mga pagsubok. Siguro may ilang bagay na aking nagawa na gusto kong baguhin, pero sa pangkalahatan, wala naman akong pinagsisihan sa aking mga nagawa.

Ang lahat ng ito’y hindi kayang gawin ng isang tao nang nag-iisa. Kaya naman nais kong pasalamatan ang mga taong tumulong sa akin upang makapagtapos ng kolehiyo.

Salamat po sa Dakilang Maykapal, sa Inyong paggabay sa lahat ng aking pinagdaanan.

Salamat po sa aking mga magulang, sa lahat ng naituro ninyo sa akin at sa lahat ng ibinigay ninyo sa akin, lalo na sa pagbabayad ng aking tuition fee.

Salamat po sa mga propesor, sa lahat ng kaalaman na inyong ibinahagi sa amin.

Salamat sa aking mga kaibigan, para sa mga masasayang sandali at sa tulong na naibigay ninyo sa akin.

Salamat sa organisasyong UP AME na aking kinabibilangan, para sa mga masasayang alaala na ibinigay ninyo sa akin.

Salamat din sa iba pang mga taong nakatulong sa akin na hindi ko pa nabanggit, lalo na sa mga taong nagsilbing inspirasyon para sa akin.

At panghuli, salamat sa mamamayang Pilipino, para sa inyong pagtitiwala at pagtustos ng bahagi ng aming edukasyon. Wala kaming lahat dito kundi dahil sa inyo.

Maraming problema ang hinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Narito na ang SARS sa Pilipinas, at hindi magtatagal ay kakalat na ito. Maraming mga Pilipino ang walang trabaho. Hindi pa rin nalulutas ang problema sa Abu Sayyaf, MILF at NPA. Laganap ang krimen sa buong Pilipinas. Sa aking palagay, may isang pangunahing dahilan kung bakit hindi magawan ng solusyon ang mga problemang ito: hindi magkasundo ang mga tao. Halimbawa nito ang bangayan sa pulitika. Maraming oras ang nasasayang sa pagdidiskusyon at pagbabatikos. Ang resulta, walang trabahong nabubuo.

May itinuro sa amin ang isa kong guro nung ako’y nasa elementarya pa. Pinasulat sa amin sa isang papel ang reklamo namin sa aming magulang. Naalala ko noon, mabilis naming napuno ang papel sa pagsusulat ng lahat ng reklamo namin sa aming magulang. Tapos, pinatakpan sa amin ang papel na pinagsulatan namin ng reklamo. Pagkatapos, sinabi niya na kunwari, mga magulang na kami. Pinabuksan sa amin yung papel na may nakasulat na mga reklamo. Kunwari daw, yun ang angal ng mga anak namin. Paano daw namin sasagutin ang reklamo nila. Doon ko nalaman na mahirap nga talagang maging magulang.

Madalas, panay na lang ang angal natin sa mga nangyayari sa paligid natin. Pinagpipilitan natin sa ibang tao ang gusto nating mangyari. Kung magkaganito man ang kalagayan, gawin natin yung pinagawa ng guro kong iyon. Sa ganitong paraan, makikita at mas maiintindihan natin kung ano naman ang sinasabi ng kabilang panig. Dito magsisimula ang kompromiso, at hindi maglalaon at magkakaroon din ng pagkakasundo.

Ito na ang panahon na laging sinasabi sa atin ng ating mga magulang at guro nung tayo’y bata pa. “Balang araw, kayo na ang mamumuno sa lipunan.” Ang kinabukasan ay nasa ating mga kamay, ika nga. Ang lahat ng ating gagawin ay hindi lamang para sa ating pansariling kapakanan. Maraming tao ang maaapektuhan ng ating mga ikikilos, lalo na dahil sa ating kaalaman sa agham at teknolohiya. Walang masama sa paghahanap ng bagong kaalaman, pero kailangan nating mag-ingat sa magiging resulta ng ating pag-aaral. Tingnan na lang natin ang halimbawa ni Alfred Nobel at ang naimbento niyang dinamita.

Sa aking pagtatapos, naway makita natin ang ating katayuan sa lipunan, “nich in life” kung gagamitin natin ang termino sa biyolohiya. Bilang ganti sa ating mga kababayan, sana’y makatulong tayo, kahit kaunti, para malutas ang problema ng ating bansa, nang sa gayon ay makabangon ang Pilipinas at hindi na gaanong umaasa sa tulong ng mga dayuhan. Higit sa lahat, naway maabot natin ang ating mga pangarap. Sana’y magkaroon ng teorya na ipapangalan sa atin para pahirapan ang susunod na henerasyon ng mag-aaral ng siyensya.

Maraming salamat po.

Advertisements
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: